
Nakatanggap ng bagong papuri ang aktres na si Yasmien Kurdi matapos siyang kilalanin ng Diamond Excellence Awards bilang Outstanding TV Actress of the Year.
Sa Instagram, masayang ibinahagi ng isa sa mga bida ng Start-Up Ph ang kanyang mga larawan habang hawak-hawak ang trophy na kanyang natanggap.
Sulat niya sa caption, "It is a great honor for me to receive this award. Maraming salamat Diamond Excellence Awards sa parangal na binigay niyo bilang 'Outstanding TV Actress of the Year.'"
"I want to give my sincere thanks to everyone who supported me in my journey, believed in my talent as an actress and encouraged me to do my best. Maraming maraming salamat po!"
Sa comment section, binati nina Gabby Eigenmann at Jeric Gonzales ang kanilang co-star sa Start-Up Ph para sa bagong parangal na natanggap nito.
Congratulations, Yasmien!
SAMANTALA, TINGNAN ANG ILANG STYLISH LOOKS NI YASMIEN SA GALLERY NA ITO: