
Pinangunahan ng phenomenal Pinoy boy band na SB19 ang opisyal na pagbubukas ng Philippines-Korea Media Art show na may temang "Donghaeng: Gunita at Pag-asa" sa Cultural Center Center of the Philippines sa Pasay City noong October 6.
Ito ay bahagi ng kanilang role bilang youth ambassadors ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA). Layon ng nasabing event na maipakilala ang talento at kulturang Pilipino hindi lamang sa Pilipinas kung hindi maging sa iba pang mga bansa.
"They likewise encouraged the audience, especially the youth like their fandom A'TIN, to reconnect with our traditions and history to better appreciate the present and strengthen our relationships with one another, to make us all better citizens of the world," pagsuporta ng SB19 sa layunin ng media art show.
Bukas at libre ang media art show sa publiko hanggang October 21, 6:00 p.m. hanggang 9:00 p.m.
Samantala, inilabas na ng SB19 ang pinakabago nilang single, ang "WYAT (Where You At)." na mayroon na ngayong mahigit 2.3 million views sa YouTube. Patuloy naman ang paghahanda ng grupo sa kanilang local at international tours.
MAS KILALANIN ANG P-POP BOY GROUP SB19 DITO: