GMA Logo Wish Ko Lang
What's Hot

Wish Ko Lang: Irma Adlawan, paano didisiplinahin ang suwail na anak?

By Aimee Anoc
Published October 12, 2022 7:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 16, 2025
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas

Article Inside Page


Showbiz News

Wish Ko Lang


Trending ngayon ang upcoming "Tanan" episode ng 'Wish Ko Lang' na mayroong mahigit 2.7 million views.

Mayroon nang mahigit 2.7 million views sa Facebook ang teaser ng "Tanan" episode ng Wish Ko Lang.

Tampok sa episode na ito ang pagmamahal ng isang ina sa suwail niyang anak. Pagbibidahan nina Irma Adlawan at Hannah Arguelles ang mag-inang Marilou at Jelai.

Sa madalas na paggamit ng cellphone, nakakalimutan na ni Jelai ang mga responsibilidad bilang isang anak at estudyante. Nagiging palasagot na rin si Jelai sa tuwing napagsasabihan ng kanyang ina. Matapos na masampal ng ina dahil sa hindi maayos na pagsagot nito ay nawala na lamang nang parang bula ang dalaga.

Labis naman ang pag-aalala nina Marilou at Nel (Earl Ignacio) nang may tumawag sa kanilang lalaki at humihingi ng ransom kapalit ng anak na si Jelai.

Totoo kayang na-kidnap si Jelai o tama ang usap-usapan ng mga kapitbahay ni Marilou na nagtanan ang anak?

Huwag palampasin ang "Tanan" episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado, October 15, alas-4 ng hapon sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

TINGNAN ANG SOCIAL MEDIA STARS NA NAPANOOD NA SA 'WISH KO LANG' DITO: