What's Hot

Pokwang, hindi napigilang umiyak sa isang event dahil sa mga pagsubok na kanyang nalagpasan

By Jansen Ramos
Published October 13, 2022 3:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa | Balitang Bisdak
Jeepney driver, patay matapos barilin ng salaring nagkunwaring pasahero sa Antipolo City
Michelle Dee celebrates the holidays with a designer bag

Article Inside Page


Showbiz News

pokwang emotional


Ayon sa emosyonal na si Pokwang, ito ay happy tears dahil nalampasan niya ang challenges na dumating sa kanyang buhay sa mga nakalipas na taon.

Emosyonal ang actress, host, at comedian na si Pokwang nang alalahanin niya ang mga pinagdaanan niya sa mga nakalipas na taon.

Happy tears daw ito dahil sa kabila ng lahat, nananatili siyang matatag sa tulong ng kanyang mga mahal sa buhay at mga taong patuloy na nagtitiwala sa kanya.

Bahagi ni Pokie sa "Chika Minute" report Aubrey Carampel sa 24 Oras kagabi, October 12, "Iba't ibang pain, iba't ibang pagsubok pero, ako, natuwa lang kasi ako dahil sa kabila ng mga nangyari sa akin, 'di ba alam n'yo naman, I'm a single mom again pero I'm fighting."

Nakapanayam ng GMA News entertainment correspondent si Pokwang sa event ng ineendorso niyang health and wellness brand.

Dito, sinabi ng Kapuso star na grateful din daw siya dahil nananatili silang magkaibigan ng dating fiance na si Lee O'Brian.

Kamakailan ay nag-celebrate ng birthday si Lee kasama si Pokwang at anak nilang si Malia.

Ani Pokie, "Nakakatuwa kasi wala kaming pait. Para kasing gusto naming lumaking happy kid si Malia."

Tuloy-tuloy rin daw ang blessings lalo na sa kanyang showbiz career.

Bukod sa napapanood siya ngayon bilang host ng Kapuso morning variety show na TiktoClock, may ginagawa din siyang pelikula kasama ang kaibigan at kapwa komedyante na si Eugene Domingo.

Nakatakda rin daw siyang gumawa ng movie na idederehe naman ng kanilang TiktoClock director na si Louie Ignacio.

Bahagi ni Pokwang, "First time kong makakatrabaho sa pelikulang ang award-winning director kaya it's an honor and we're looking forward talaga. Sabi ko nga, maraming brainstorming na mangyayari."

Nasa wishlist din daw ni Pokwang na gumawa ng sitcom kasama ang iba pang Kapuso comedy stars.

Panoorin ang buong ulat sa video sa itaas.

SAMANTALA, TINGNAN DITO ANG IBA PANG EX-CELEBRITY COUPLES NA NANANATILING MAGKAIBIGAN: