
Malapit nang mapanood ang Chinese drama na magpapatibok ng inyong puso. Ipalalabas ang Put Your Head on my Shoulder, isa sa mga pinaka-romantic na C-dramas, sa GMA simula October 31.
Gaganap si Xing Fei bilang Molly, isang accounting student na nangangarap makapasok sa advertising. Dahil sa isang aksidente, makikita at makikilala niya si Wayne, gagampanan ni Lin Yi, na kanyang complete opposite.
Sa isang pambihirang pangyayari, titira sila sa iisang bahay kung saan kailangan nilang matutong makisama sa isa't isa, na magiging simula na rin ng love story nila.
Abangan si Xing Fei, ang Most Promising Actress ng 4th Golden Bud Network Film and Television Festival; at si Lin Yi, ang Best New Actor ng ng 4th Golden Bud Network Film and Television Festival, na inyo nang masasandalan sa Put Your Head on my Shoulder weekdays ng 5:00 p.m. simula Oktubre 31 sa GMA.