
Puno ng happy memories at realizations si Camille Prats sa kanyang showbiz career.
Ibinahagi ni Camille Prats ang kanyang naging experience at mga natutunan sa showbiz industry dahil nagsimula siya bilang child star.
Ikinuwento ito ni Camille sa kanyang YouTube channel kung saan nakasama niya ang kanyang kaibigan at ate sa industriya na si Jolina Magdangal.
Ayon kay Camille, wala siyang pagsisisi sa kanyang showbiz career, "Nagpapasalamat ako na for me, kung nasaan man ako ngayon, wala akong pagsisisi."
PHOTO SOURCE: @camilleprats
Paliwanag pa ng Kapuso star na dahil maaga siyang napasok sa industriya ay may mga mabubuti siyang natutunan.
"Feeling ko may ganun tayo na kapag child star ka, on my end, siyempre kailangan mabait ka, it kept me grounded. Parang it taught me na ito 'yung linya mo. So hindi ko siya minasama. Hindi 'yung ano ba 'yan dahil kasi sa role na tinanggap ko na bait-baitan tuloy kailangan kong panindigan."
Dagdag pa ni Camille, hindi niya pinanghihinayangan ang mga dating hindi niya na-experience.
"Dati inggit na inggit ako sa mga kakilala ko, mga kaibigan ko na puma-party ng gabi. Now I realized looking back na, wala naman nawala sa akin."
Panoorin ang latest video ni Camille dito:
TINGNAN ANG MODERN FAMILY NI CAMILLE PRATS: