
Nagpakilig ang Kapuso real-life couple na sina Bianca Umali at Ruru Madrid at Return To Paradise love team na sina Derrick Monasterio at Elle Villanueva sa Kapuso Fans' Day noong Biyernes, October 21, sa SM City Bacolod.
Lumipad patungong City of Smiles ang Sparkle artists para makisaya sa pagbabalik ng pagdiriwang ng Masskara Festival ngayong taon matapos ang two-year hiatus dahil sa COVID-19 pandemic.
Naki-bonding sina Bianca, Ruru, Derrick, at Elle sa fans nilang Bacolodnon sa meet-and-greet-event na inorganisa ng GMA Regional TV.
Siyempre, hindi kumpleto ang kanilang show nang walang kantahan at sayawan, at pagpapakuha ng litrato kasama ang kanilang fans.
Samantala, bago ang kanilang mall show, nagkaroon muna sila media conference para sa local media sa Bacolod.