
Sa nakaraang linggo ng Goblin: The Lonely and Great God, nalaman na ng Goblin ang tunay na katauhan ng The Grim Reaper.
Kinompronta ng Goblin ang The Grim Reaper matapos niyang madiskubre na ito ang haring ipinagkanulo at pinatay siya sa kanyang past life bilang heneral na mandirigma na si Kim Shin.
Kailangan harapin ng The Grim Reaper ang kanyang kaparusahan at makakatanggap siya ng matinding pagdidisiplina matapos ang sunod-sunod na paglabag niya sa kanilang batas para sa sarili niyang kapakinabangan.
Ang mga Grim Reaper ay mga taong nakagawa ng matinding kasalanan sa nakaraang buhay nila at mas piniling burahin ang alaala nila pagkatapos ng dalawang daang taon sa impyerno.
Subaybayan ang huling linggo ng Goblin: The Lonely and Great God, alas singko ng hapon bago ang Family Feud sa GMA.
NARITO ANG MAIN CAST NG K-DRAMA: