GMA Logo Atom Araullo
What's Hot

Atom Araullo, nag-react sa mga nagkakalat ng maling impormasyon tungkol sa kanyang pangalan

By Aedrianne Acar
Published October 25, 2022 7:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIST: Taekwondo medalists from the Philippines in the 2025 SEA Games
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Atom Araullo


Paalala mga Kapuso, mag-ingat sa fake news na kumakalat sa social media!

Ramdam ang pagkadismaya sa Facebook post ng award-winning GMA News personality na si Atom Araullo tungkol sa maling impormasyon na ikinakabit sa kanyang pangalan.

Gustong itama ni Atom, o Alfonso Tomas Araullo in real life, ang tinawag niyang disinformation na nakikita niya online patungkol sa kanya.

Post ng Kapuso broadcaster, “Utang na loob, itigil niyo na yung teoryang ipinangalan ako sa August Twenty One Movement o ATOM. Pinaslang po si Ninoy noong August 21, 1983. Ipinanganak ako noong 1982 (huhu ayan age reveal tuloy). Ang Atom po ay kumbinasyon ng Alfonso at Tomas, na pangalan ng dalawa kong Lolong astig.”

Dagdag niya, “Nakakatawa na ang dami-daming naniniwala diyan, at ginagamit na pruweba ng umano'y secret political agenda ko (gasp).

“Never thought I'd need to explain this, but here we are. #Disinformation is real. Learning poverty is real. Anyway, sana masarap ang mga ulam ninyo ngayon.”

Sa kabila na inis na nararamdaman, nagawa pa rin nitong magbiro sa comment section nang may nagtanong tungkol sa kanyang tunay na edad.

Last week, nag-post din si Atom sa Twitter ng ilang screenshots ng mensahe ng isang netizen na sinasabing miyembro ng New People's Army ang kanyang inang si Carol.

Paglilinaw nito, “I don't usually call out private individuals here, but behavior like this should not be normalized. Disinformation is a huge problem globally, one that can have deadly consequences. Examples from a particularly devoted user below."

ALAMIN ANG REAL NAMES NG INYONGFAVORITE CELEBRITIES DITO: