
Nangunguna ngayon sa ranking ng may pinakamataas na score sa international dance competition na Dancing with the Stars sa France ang The Wall Philippines host na si Billy Crawford at ang kanyang partner na si Fauve Hautot.
Nakabuo sina Billy ng total of 38 points mula sa mga judges base sa kanilang weekly performances.
Ngayong Biyernes, mas mahigpit na laban ang gagawin nina Billy dahil kailangan nilang ma-beat ang kanilang current highest score upang makapasok semi-finals.
Matatandaan na nakatanggap din ng standing ovation at maraming papuri si Billy at si Fauve sa kanilang dramatic performance ng "l'Enfer," o "Hell," ng Belgian singer-songwriter na si Paul Van Haver kung saan nakakuha sila ng apat na "9" score mula sa judges.
Kamakailan ay nasorpresa rin si Billy si surprise dance performance ng kanyang misis na si Coleen Garcia sa nasabing programa.
Ang nasabing performance nina Coleen at Billy ay napanood din ng celebritry doctors at couple na sina Dr. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho.
Samantala, mapapanood din si Billy bilang host ng The Wall Philippines tuwing Linggo, 3:35 p.m. sa GMA.
SILIPIN NAMAN ANG MASAYANG PAMILYA NINA BILLY AT COLEEN SA GALLERY NA ITO: