GMA Logo therese malvar on kmjs gabi ng lagim
What's Hot

Therese Malvar, hinangaan ang pagganap sa 'KMJS: Gabi ng Lagim X'

By Jansen Ramos
Published October 31, 2022 1:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Iñigo Jose names Kapuso actresses he wants to work with
Ogie Alcasid gives seven relationship tips for daughter Leila Alcasid
4th leg ng Noel Bazaar nasa Filinvest Tent sa Alabang, mula Dec.19-21, 2025 | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

therese malvar on kmjs gabi ng lagim


Ang 'Gabi ng Lagim X' segment na kinatampukan ng award-winning actress na si Therese Malvar ay idinirehe ng 'Heneral Luna' director na si Jerrold Tarog.

Muling pinatunayan ng award-winning actress na si Therese Malvar ang kanyang husay sa pag-arte sa kanyang pagganap sa Halloween special ng Kapuso Mo, Jessica Soho na pinamagatang "Gabi ng Lagim X."

Sa episode ng weekly magazine show noong Linggo, October 30, lumabas si Therese bilang babaeng nagpaparamdam sa Unit 771 ng isang tenement sa Taguig.

Ang karakter ni Therese ay isang kasambahay noong 1979 na pinagmaltratuhan ng kanyang amo.

Sinubukan niyang gantihan ito pero binawian din siya nito at ikinadena ang kanyang mga kamay. Ayon sa saksi, lumipat daw ng bahay ang tenant at iniwang nakagapos ang mga kamay ng katulong.

Nakakawala naman siya sa pagkakadena pero tila nawala siya sa katinuan at tumalon mula sa building.

Pinuri naman ng viewers ang pagganap ni Therese sa horror segment ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Ang nasabing segment ay idinerehe ng acclaimed film director na si Jerrold Tarog, na kilala bilang director ng historical biopic films na Heneral Luna (2015) at Goyo: Ang Batang Heneral (2018).

Ayon sa netizens, maganda ang kinalabasan ang pagsasanib-pwersa nila ni Therese at maging ng indie actress na si Mercedes Cabral na gumanap na nanay na nakakita ng multo sa tenement.

Samantala, muling mapapanood si Therese sa telebisyon sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Unica Hija na magpe-premiere sa November 7.

Dito ay gaganap siya bilang batang karakter ng '90s child star na si Maybelyn Dela Cruz, na lalabas bilang Cara, bestfriend ng karakter ng bidang si Kate Valdez.

KILALANIN PA ANG AWARD-WINNING ACTRESS NA SI THERESE MALVAR DITO: