
Mapapanood sa "Retoke" episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado (November 5) ang dalawa sa kinagigiliwang content creators ngayon sa social media na sina Euleen Castro o mas kilalang Yobab ng kanyang followers at Gifer Fernandez.
Talaga namang mapapatawa ka sa good vibes na hatid ng magkaibigang Euleen at Gifer sa social media, na madalas makikitang magkasama sa kanilang mga content.
Kasalukuyang mayroong mahigit 1.7 million followers sa TikTok si Euleen, habang 6.8 million followers naman si Gifer.
@gifer.fernandez dc namin to ha char #mrhappiness ♬ Made You Look - Meghan Trainor
Sa "Wish Ko Lang: Retoke," bibigyang buhay nina Euleen at Gifer ang mga katrabahong credit card agent ni Natanya (Jenzel Angeles) na sina Betsy at Efren.
Tampok sa upcoming episode ang totoong kwento ng buhay ni Natanya na nasira ang ilong dahil sa scammer na doktor.
Makakasama rin nina Euleen at Gifer sa episode na ito sina Arlene Muhlach, Luis Hontiveros, Rubi Rubi, Pepita Curtis, at Celine Fajardo.
TINGNAN ANG IBA PANG SOCIAL MEDIA STARS NA NAPANOOD NA SA 'WISH KO LANG' DITO: