GMA Logo maine mendoza
What's Hot

Maine Mendoza, nilinaw ang diumano'y investments niya: 'Wala po akong ambag doon'

By Aedrianne Acar
Published November 4, 2022 11:20 AM PHT
Updated November 7, 2022 4:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

maine mendoza


Alamin kung ano ang ginagawa ni Maine Mendoza sa kanyang mga kinikita sa showbiz dito:

Naging bukas ang Phenomenal star na si Maine Mendoza tungkol sa pribado niyang buhay sa exclusive interview ng entertainment vlogger at talent manager na si Ogie Diaz.

Sa 22-minute YouTube vlog ni Ogie, na inilabas kagabi, November 3,

inilahad ni Maine ang kanyang kalagayan pitong taon matapos siya makilala bilang Dubsmash Queen at Yaya Dub sa Eat Bulaga.

Isa sa mga natanong sa award-winning TV idol ay kung anu-ano na ang mga na-achieve niya.

“Sobrang dami. And 'yung blessing na 'yun, naging blessing not just for me, but for my family also," nakangiting sagot ni Maine.

Kaugnay nito, nilinaw din niya ang lumabas na ulat ng mga diumano'y investments niya mula sa pagtatrabaho niya sa showbiz.

Diretsahang sinabi ni Maine na ang gasoline station at franchise ng isang sikat na fast-food chain ay pera mula sa kaniyang mga magulang na sina Mary Ann at Teodoro.

Aniya, “I just wanna set the records straight. Kasi 'yung iba iniisip din na 'yung mga business namin ngayon, fruits of my labor.

“Actually, 'yung gasoline station, nandiyan na po yan even before I entered the industry; and 'yung McDonalds franchise po, wala po akong ambag doon. So, pera po 'yun ng parents ko.

“'Yung ibang mga supporters, na who turned their back against me, parang iniisip nila, 'Naku! Kung hindi naman sa amin wala naman kayo ganito, ganiyan.' So, ngayon ko lang din nasabi Mama Ogs.” ani Maine.

Nag-follow up si Ogie Diaz kung 'yung sumunod na franchise ng fast-food restaurant ay pag-aari na ng Eat Bulaga star.

Sagot niya, “Nakapangalan po sa aming magkakapatid 'yun kasi, e. Pero pera ng parents ko, kasi parang sila, gusto nila na meron kaming lahat magkakapatid.

“'Yun po ang goal nila, lahat kami, since five po kaming magkakapatid goal nila [ay] lahat kami, may nakapangalan sa amin. So parang, ayaw nila gamitin 'yung money that we earned. So, fruits of their labor po 'yun, ng parents ko.”

Isiniwalat din ni Maine na lahat ng perang kinikita niya mula sa showbiz ay diretso sa bangko.

Paliwanag niya, “Savings ko po. So, nakatabi lang po 'yun, so hindi po 'yun ginagalaw ng parents ko, not even my siblings. So ipon ko po 'yun for my future, for my future family.”

Binalikan din ni Maine ang meteoric rise to fame niya sa “Kalyeserye” ng Eat Bulaga noong 2015.

Tinanong ni Ogie kung nahirapan ba siya sa ilang buwan na lumalabas sa telebisyon at hindi siya nagsasalita.

Para kay Maine, naging pabor ang ganung set up sa tulad niyang newbie noon sa industriya.

Paliwanag niya, “Kasi mero'n talaga 'kong fear of speaking in public. So, parang super pabor po sa akin 'yung set up before, na parang I had to stay to the character na magda-dub lang, na hindi magsasalita.

“Kasi, tulad ng sabi ko, baka meron akong masabing mali and bago po ako sa industry. So, ayaw ko naman na magbigay nang hindi magandang impression sa mga tao.”

Panoorin ang buong panayam kay Maine Mendoza sa video below:

Bukod sa Eat Bulaga, napapanood din siya Maine sa Kapuso sitcom na Daddy's Gurl together with Bossing Vic Sotto.

SAMANTALA, ALALAHANIN ANG ILAN SA BEST MOMENTS SA TAMANG PANAHON CONCERT NG EAT BULAGA NOONG OCTOBER 2015: