
Sa darating na November 26, gaganapin ang first-ever concert nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Julie, ibinahagi niya kung ano ang mga dapat abangan sa kanilang concert na pinamagatang “JulieVerse.”
Ayon sa Asia's Limitless Star, “It's gonna be a fun and a collaborative concert. Hindi lang ako siyempre ako 'yung magpe-perform. Siyempre you'll be seeing us together [Rayver]. Nandun din si Mavy [Legaspi] and Kyline [Alcantara].”
Dagdag pa niya, “Marami kaming dance prods, may mga numbers din kami na tutugtog kami ng instruments. It's super exciting pero medyo kinakabahan kasi first time naming mag ko-concert na kaming dalawa, like together. Pero siyempre, mas nilu-look forward namin 'yun aming supporters na pupunta. 'Yun, it's going to be a fun and exciting concert for everybody because kakaiba 'yung theme namin eh, para kang nasa galaxy.”
Sa isa pang hiwalay na interview, sinabi ng Maria Clara at Ibarra actress na dapat abangan ng kanilang fans ang mga sorpresa at pasabog na masasaksihan sa concert.
Dapat ding abangan dito ang “kilig” moments nina Julie Anne at Rayver pati na rin ang Kapuso stars na sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara na guests sa event.
Gaganapin ang “JulieVerse” concert sa Newport Performing Arts Theater sa Pasay City, Metro Manila.
Para sa tickets, bisitahin lamang ang www.gmanetwork.com/synergy or http://www.ticketworld.com.ph.
Para naman sa iba pang updates tungkol sa "JulieVerse" concert, maaaring bisitahin ang GMANetwork.com.
SAMANTALA, SILIPIN ANG KILIG MOMENTS NINA JULIE ANNE AT RAYVER SA GALLERY SA IBABA: