
Bumisa sa Pilipinas si Squid Game star Jung Ho-yeon para sa kanyang first ever fan meet.
Siya rin ang pinakabagong brand ambassador ng isang Filipino company na siya namang naging daan para makilala niya ang kanyang mga fans sa bansa.
"When I had this success of Squid Game, I realized I have lots of fans and audience in the Philippines so I thought that I could meet them," pahayag niya.
Minsan na raw bumista ang actress and model sa Pilipinas kasama ang kanyang pamilya at amang scuba diver.
"He always brought us to the Philippines to do scuba diving so we go out on a boat. I think we went to Boracay. It was beautiful," paggunita niya.
Dahil dito, may ilang Filipino food na raw siyang natikman at nagustuhan.
"I tried sinigang. I liked it! And we tried tapa? Crispy pata! It was so delicious, so good," aniya.
Unang nakilala si Jung Ho-yeon bilang isang modelo. Acting debut niya ang global Netflix hit na Squid Game kung saan nakamit niya ang Best Actress Award sa Screen Actor's Guild Awards.
Ikinumpara naman niya ang pagmomodelo at pag-arte.
"There are a few differences but I think it's a very similar job. They're also fun. It makes me happy," bahagi niya.
Masaya daw siya sa malawak na exposure ng Korean arts and culture ngayon.
"I'm so happy that many countries and people can have a chance to know what Koreans like, what's korean food and culture," lahad niya.
Panoorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras sa video sa itaas.
SAMANTALA, MAS KILALANIN PA SI JUNG HO-YEON SA GALLERY NA ITO: