GMA Logo Sofia Pablo at Allen Ansay
What's Hot

'Luv Is: Caught in His Arms' lead stars Sofia Pablo at Allen Ansay, abala rin sa iba pang proyekto ng GMA

By Jimboy Napoles
Published November 14, 2022 8:00 PM PHT
Updated November 16, 2022 3:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Sofia Pablo at Allen Ansay


Bukod sa kanilang much-awaited series na 'Luv is: Caught in His Arms,' tampok din sina Sofia Pablo at Allen Ansay sa iba pang exciting projects ng GMA.

Matapos maging abala sa kanilang mga bagong brand endorsement, sasalang naman ngayon sa kabi-kabilang TV projects ang Sparkle loveteam o kilala rin bilang Team Jolly na sina Sofia Pablo at Allen Ansay.

Bukod sa kanilang kilig series na Luv is: Caught in his Arms, bibida rin sina Sofia at Allen sa iba pang bigating proyekto ng GMA. Una na riyan ang kanilang nakatakdang pagbabalik sa Regal Studio Presents sa episode nito na pinamagatang "I Love You Tol." Dito ay gaganap sila bilang childhood best friends na sina Jinky at Marco na magkakaroon ng conflict dahil sa feelings na ma-de-develop ng isa sa kanila.

Una nang bumida ang dalawa sa Regal Entertainment series na Raya Sirena.

Matapos ito, tampok din ang Sparkle sweethearts sa Christmas episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko na "Carol Parol" kung saan gaganap si Sofia bilang ang parol na si Carol na binuo ng limang magkakaibigan kasama ang karakter ni Allen.

Sa isang panayam sa 24 Oras, masaya ring ibinalita ng Team Jolly na kasado na rin ang kanilang pagbibidahang digital series na In My Dreams na handog ng GMA Public Affairs. Kuwento ito ng isang dalagang si Via na nakabuo ng sarili niyang mundo sa kanyang panaganip kung saan makikilala niya ang lalaking kanyang iibigin.

Samantala, excited na rin sina Sofia at Allen sa pagsisimula kanilang much-awaited series na Luv is: Caught in his Arms na first collaboration project ng GMA Network at Wattpad Webtoon Studios.

Ang nasabing series ay ang TV series adaptation ng hit Wattpad novel ng Filipino author na si Ventrecanard na "Caught in his Arms" na bibigyang buhay nina Sofia at Allen kasama ang Sparkada heartthrobs na sina Vince Maristela, Michael Sager, Raheel Bhyria, at Sean Lucas.

Kasama rin sa naturang series ang ilan pa sa Sparkada members na sina Caitlyn Stave, Cheska Fausto, Kirsten Gonzales, at Tanya Ramos. Kaabang-abang din ang magiging karakter dito ng dating Artikulo 247 actress at TikTok girl na si Rain Matienzo.

Ngayong Biyernes, November 18, isang malaking sorpresa rin ang inihanda ng nasabing series na dapat abangan ng maraming Kapuso.

Para sa iba pang updates tungkol sa Luv Is: Caught In His Arms, bisitahin ang GMANetwork.com.

SILIPIN ANG KILIG PHOTOS NG LUV IS: CAUGHT IN HIS ARMS LEAD STARS NA SINA SOFIA PABLO AT ALLEN ANSAY SA GALLERY NA ITO: