GMA Logo Mavy Legaspi, Kyline Alcantara
What's on TV

Mavy Legaspi at Kyline Alcantara, bibida sa digital series ng GMA Public Affairs

By Jimboy Napoles
Published November 16, 2022 2:16 PM PHT
Updated February 27, 2023 11:38 AM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Mavy Legaspi, Kyline Alcantara


Mavy Legaspi at Kyline Alcantara, magtatambal sa bagong digital series ng GMA Public Affairs sa 2023.

Bibida sa first-ever digital series ng GMA Public Affairs ang Sparkle sweethearts na sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara na pinamagatang Zero Kilometers Away na tungkol sa online dating.

Sa "Chika Minute" report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras, excited na ibinalita ng MavLine ang tungkol sa kanilang first project together sa 2023, dahil mapapanood ang ang nasabing series sa Pebrero na buwang ng pag-ibig.

Ayon kay Kyline, tiyak na maraming makaka-relate sa series dahil sa pagiging uso ng dating applications ngayon.

Aniya, "For sure maraming makaka-relate kahit anong generation man kasi super nauso ngayon ang mga dating apps."

Natutuwa naman si Mavy dahil hindi raw nalalayo ang kanilang series sa ginagawa nilang podcast ngayon ni Kyline.

"Napaka-solid ng story because nakaka-relate 'yung digital series at saka 'yung laman po ng podcast namin sa iba't ibang klase ng romance and love," ani Mavy.

Bukod sa MavLine, magpapakilig din ang tambalang Team Jolly nina Allen Ansay at Sofia Pablo sa isa pang digital series ng GMA Public Affairs na may pamagat naman na In My Dreams. Kuwento naman ito ng isang dalagang si Via na nakabuo ng sarili niyang mundo sa kanyang panaganip kung saan makikilala niya ang lalaking kanyang iibigin.

Abangan ang marami pang exciting programs ng GMA sa darating na 2023.

SAMANTALA, SILIPIN ANG SWEETEST PHOTOS NINA MAVY AT KYLINE SA GALLERY NA ITO: