GMA Logo Elijah Alejo
PHOTO COURTESY: GMA News
What's Hot

Elijah Alejo, looking forward sa upcoming serye na 'Underage'

By Dianne Mariano
Published November 17, 2022 11:36 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Elijah Alejo


Bibigyang buhay ni Kapuso actress Elijah Alejo ang role bilang Chynna Serrano sa upcoming GMA Afternoon Prime series na 'Underage.'

Ipinagdiwang ni Sparkle star Elijah Alejo ang kanyang 18th birthday noong Linggo (November 13) sa Sequoia Hotel sa Quezon City.

Matatandaan na nag-a la Disney Princess si Elijah sa kanyang Beauty and the Beast-themed debut. Sa panayam ni Aubrey Carampel kay Elijah sa 24 Oras, looking forward daw ang aktres sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Underage, kung saan isa siya sa lead stars.

Ayon pa sa aktres, kakaiba ang role na kanyang gagampanan sa nasabing serye.

“Kakaawaan niyo po siya. Iba po talaga. Kung dati po sa Prima Donnas, isa po ako sa mga nang-aapi. Ngayon po rito sa Underage, ako na po 'yung isa sa mga inaapi,” aniya.

Bibigyang buhay ni Elijah ang karakter bilang isa sa Serrano sisters na si Chynna. Kabilang din sa lead stars ng serye sina Lexi Gonzales at Hailey Mendes, na gaganap bilang sina Celine at Carrie Serrano.

Katunayan, present din sa birthday celebration ni Elijah ang kanyang Underage co-stars tulad nina Lexi, Sunshine Cruz, Gil Cuerva, Snooky Serna, Jome Silayan, Vince Crisostomo, at Maey Bautista.

Bukod dito, nais daw matutunan ng teen star kung paano magmaneho ng sasakyan ngayong nasa legal age na siya.

“Skill kasi siya for me na gusto ko po talaga matutunan once na mag-18 ako,” pagbabahagi niya.

Panoorin ang “Chika Minute” report sa video sa ibaba.

SILIPIN ANG DREAMY 18TH BIRTHDAY CELEBRATION NI ELIJAH ALEJO SA GALLERY NA ITO.