
Sa unang linggo ng My Shy Boss, naging magulo ang unang pagtatagpo nina Joaqui at Rory matapos mabangga ng una ang sasakyan ng huli.
Sinundan naman ni Rory si Joaqui hanggang sa penthouse nito para pagbayarin sa kanyang nabanggang kotse. Lingid sa kanyang kaalaman, ang misteryosong lalaking nakatagpo niya ay ang CEO ng Brain PR.
Nang dahil sa mga kakaibang kilos ni Joaqui, naging palaisipan kay Rory kung ano ang itinatago ng una at ng mga empleyado nito. Labis din ang pag-iisip ng misteryosong CEO tungkol sa tunay na pakay ni Rory sa kanya.
Samantala, naikuwento naman ni Rory kay Joaqui ang nangyari sa kanyang nakatatandang kapatid na babae nang habulin niya sa restroom ang huli na mayroong dalang mga bulaklak.
Nang dahil naman sa isang isyu, parehong pinoprotektahan nina Joaqui at Wendel ang isa't isa dahil sa mga lihim na silang dalawa lamang ang nakakaalam.
Para malinis ang pangalan ng CEO, naglabas ng statement si Wendel sa harap ng press at sinabing bababa na si Joaqui sa kanyang puwesto.
Subaybayan ang My Shy Boss tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:00 a.m., sa GMA.
Balikan ang mga nakaraang tagpo sa My Shy Boss dito.
My Shy Boss: Revealing the face of the mysterious boss | Episode 1
My Shy Boss: Awakening the commoner's curiosity | Episode 2
My Shy Boss: Running through the CEO's mind | Episode 3
My Shy Boss: Finding Mr. Flower Boy | Episode 4
My Shy Boss: Your secrets are safe with me | Episode 5