GMA Logo Andrea Torres, Max Collins, and Rabiya Mateo
Photo by: andreaetorres (IG); rabiyamateo (IG); maxcollinsofficial (IG)
What's Hot

Andrea Torres, Max Collins, and Rabiya Mateo star in international projects

By Aimee Anoc
Published November 24, 2022 3:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Andrea Torres, Max Collins, and Rabiya Mateo


Tatlo sa mga artista ng Sparkle GMA Artist Center ang parte ngayon ng magkakaibang international film at series!

Level up ang Sparkle stars na sina Andrea Torres, Max Collins, at Rabiya Mateo na pare-parehong mayroong international projects ngayon.

Matapos na ipamalas ang husay sa pag-arte bilang Sisa sa Maria Clara at Ibarra, mapapanood naman ngayon si Andrea sa Amazon Prime "movie-series" na One Good Day, na nagsimula nang ipalabas sa Prime Video noong November 17.

Kasama rin ni Andrea sa seryeng idinirehe ni Lester Ong ang beauty queen-turned-actress na si Rabiya Mateo kung saan bibida sila bilang sina Sandra at Alex. Kapwa makakatambal ng dalawang aktres sa seryeng ito ang seasoned actor na si Ian Veneracion.

Bukod sa One Good Day, malapit na ring mapanood si Andrea sa upcoming international film na Pasional kung saan makakapareha niya ang Argentinian actor na si Marcelo Melingo.

Ang Pasional ay co-production ng Malevo Films at GMA Network, na kinunan ang halos kabuuan ng pelikula sa Argentina. Dito, bibida si Andrea bilang Mahalia, isang tango dancer at jury member para sa International Tango Dance Festival, habang si Marcelo ay gaganap bilang Norberto, isang biologist.

Excited namang ibinalita ni Max Collins noong Setyembre na bahagi siya ng second season ng Almost Paradise, isang American-Filipino crime TV series tungkol sa dating DEA agent na si Alex Walker (Christian Kane), na lumipat sa Cebu.

Makakasama rin ni Max Collins sa series ang Kapuso actors na sina Richard Yap at Ryan Eigenmann.

TINGNAN ANG SHOOTING NG 'PASIONAL' SA PILIPINAS DITO: