GMA Logo Kylie Padilla, Gabbi Garcia at Sanya Lopez
Photo source: @kylienicolepadilla @gabbi @sanyalopez
What's on TV

Kylie Padilla, Gabbi Garcia at Sanya Lopez muling magsasama para sa isang 'Mega Serye'

By Abbygael Hilario
Published November 24, 2022 8:20 PM PHT
Updated February 6, 2023 7:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie Padilla, Gabbi Garcia at Sanya Lopez


Isang kaabang-abang na proyekto ang pagsasamahan muli nina Kylie Padilla, Gabbi Garcia at Sanya Lopez na maituturing na isang 'mega serye.' Excited na ba kayo mga Kapuso?

Muling magkakasama ang former Encantadia Sang'gres na sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia at Sanya Lopez para sa isang 'mega serye' na handog ng GMA!

Makakasama rin dito sina Arra San Agustin, Michelle Dee at Rochelle Pangilinan.

Photo source: @arrasanagustin @michelledee @rochellepangilinan

Simula na ang training ng Kapuso stars para sa upcoming action-fantasy-series na siguradong susubaybayan ng mga manonood.

Sa interview ni Cata Tibayan sa 24 Oras, inilarawan ni Sanya kung tungkol saan ang naturang programa.

"Tungkol ito sa drama, sa lovestory, historical din ito at fantasy at nandoon din, halos lahat. Action. Lalo na ang action nandito. Pambata, matanda, mommy, daddy, buong pamilya talaga magkakasundo kapag pinanood ito."

Isang post na ibinahagi ni Sanya Lopez (@sanyalopez)

Araw-araw, todo ang training ng mga Kapuso actress para sa kanilang extreme fight scenes. Sinisigurado nila na physically, mentally at emotionally fit sila para sa kanilang roles.

Ikinuwento naman ni Gabbi kung bakit niya tinanggap ang proyekto.

"I'm very brave sa mga ganitong klaseng concept and talagang inembrace nila ang women empowerment. Lalo na 'tong cast na 'to very powerful," sabi niya.

Isang post na ibinahagi ni Gabbi Garcia ♡ (@gabbi)

Kabilang din sa 'mega serye' na ito ang Kapuso hunk na si Vin Abrenica.

Sa Instagram,ipinasilip ni Vin ang pag-eensayo nila ni Kylie para sa naturang palabas.

Makikita sa video kung gaano kahusay ang dalawa pagdating sa kanilang fight scene training.

“Looking forward to this new journey! Husay mo gumalaw talaga kakai! Let's do it! @kylienicolepadilla #soon” sulat niya sa kaniyang caption.

Isang post na ibinahagi ni Vin Abrenica (@vinabrenica)

Ngayon pa lamang, excited na ang mga Kapuso kung ano ba itong 'mega serye' na pagbibidahan nila Kylie, Gabbi at Sanya.

Tutok lang sa GMANetwork.com para sa iba pang detalye tungkol dito.