GMA Logo Buboy Villar
Image Source: buboyvillar (Instagram)
What's Hot

Buboy Villar, iginiit na BFF lang sila ni Jelai Andres: "Walang make love po, hindi kaya!"

By Nherz Almo
Published November 25, 2022 3:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2 persons hit by stray bullets in Iloilo, Bacolod
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

Buboy Villar


Tila daig pa ni Buboy Villar ngayon ang showbiz heartthrobs sa dami ng kanyang on-screen partners. Kilalanin sila rito:

“Pakiramdam mo ba ang pogi-pogi mo this year?”

Ito ang tanong ng entertainment media sa comedy actor na si Buboy Villar dahil sa dami ng nakakapareha niya ngayong taon.

Isa na rito ang pagtatambal nina Buboy at baguhang aktres na si Bella Thompson sa pelikulang Ang Kwento ni Makoy, na ipalalabas na sa mga sinehan sa December 7. Bukod pa rito, naipapareha din si Buboy kay Lexi Gonzales sa Running Man Philippines; kay Faith da Silva sa All-Out Sundays; at kay Jelai dahil sa kanilang collaborations para sa kani-kanilang vlogs.

“Nakakatuwa kasi, kumbaga, ako yung nandito ngayon,” sagot ni Buboy sa ginanap na media conference matapos ang premiere night ng pelikulang Ang Kwento ni Makoy kamakailan.

Patuloy niya, “Ang galing nga ng mga ka-love team ko. Ang dami po nila, e. Pero para po sa akin, isa-isa lang, tama lang. Chill lang. Maging happy tayo dahil meron tayong work.”

Dahil sa pagsasama nila sa pelikula, natanong si Buboy kung na-attract din siya sa co-actor niyang si Bella.

“Actually, nagandahan naman talaga ako kay Bella, wala namang halong biro yun,” sagot niya.

“Actually, iba yung saya na binibigay sa akin ni Ched kapag ako si Makoy. Kasi ako po, kapag nag-'3, 2, 1, action' si Direk, nagiging Makoy po talaga ako.

“Hindi ko po alam, hindi ko rin ma-explain kung paano. Pero iba ang kilig ko kapag nandiyan si Ched. Yung pinakanakita ko dun, nahirapan siya kay Ched, pero mahal niya, e. So, anong pipiliin mo, mahirapan ka o mamahalin mo? Sa akin, mamahalin mo, di ba? Special si Ched sa akin.”

A post shared by Buboy Jr Villar (@buboyvillar)

ON JELAI ANDRES

Pero sa lahat ng mga nakakapareha ni Buboy, tila kay Jelai siya nali-link nang husto dahil sa pagiging malapit nila ngayon kahit off-cam.

Pero agad nilinaw ni Buboy, “BFF ko talaga si Jelai. Habambuhay kaibigan niya ako.”

A post shared by BEAUTéDERM (@beautedermcorporation)


Nang muling matanong tungkol kay Jelai, natatawang sagot ni Buboy, “Sobrang special kasi ni Jelai. Siya na yung ka-lokohan ko, pero walang make love! Hindi kaya! Basta special friend talaga siya and ready ako at nandito lang ako para sa kanya.

“Bahala na po. Kapag napanood n'yo si Makoy, kay Bella po ako. Kapag nasa All-Out Sundays po ako, kay Faith po ako. Kapag nasa vlog po ako, kay Jelai ako. Maraming salamat po kasi all-around ako.”

Nang tanungin kung mayroon nang nagpapakilig sa kanya ngayon, muling natawa si Buboy at sumagot, “Teka, ang hirap po kasi. Kasi single father po ako, so hindi ko na alam yung pakiramdam ng kilig ulit. Sa totoo lang, ha, nalimutan ko po.”

Dagdag niya, “Siguro araw-araw akong kinikilig kapag mga mga kasama akong mga special someone. Siguro ngayon, masaya ako sa career na tinatahak ko ngayon. Happy ako sa family ko, happy ako sa nanay ng mga anak ko kasi okay kami, at happy ako kasi malalaki na ang mga anak ko.”

SAMANTALA, TINGNAN ANG NAKAKIKILIG NA MGA LARAWAN NINA BUBOY AT JELAI SA GALLERY NA ITO: