
Agaw pansin ang dalawang former Kapamilya stars na ngayon ay proud Kapuso na sa star-studded “Signed For Stardom” event ng Sparkle GMA Artist Center nitong November 22.
Mapapabilang na sa talented roster ng Sparkle and former Pinoy Big Brother finalist na si Jayson Gainza at dating 2009 Binibining Pilipinas Universe titlist na si Bianca Manalo.
Sa panayam ni Jayson sa 24 Oras, sinabi nito na nakakataba ng puso ang mainit na pagtanggap ng mga Kapuso sa kaniya.
Mainstay ang Sparkle comedian sa hit sitcom na pinagbibidahan ni John Lloyd Cruz na Happy ToGetHer.
Ani Jayson, “Masaya, iba 'yung environment. Nagulat ako na hindi ko inaasahan na tatanggapin nila ako ng buong-buo.
“At sana magtuloy-tuloy ito.”
Gusto naman maipakita ng beauty queen-turned-actress na si Bianca Manalo ang ibang side niya na ngayon ay part na siya ng Sparkle.
Lahad niya sa 24 Oras, “Dun ako nae-excite kasi parang mabibigyan ako ng chance maipakita ko pa 'yung iba ko pa kayang gawin na parang itong 'yung chance ko na ipakita ko pa 'yung other side ni Bianca.”
KILALANIN ANG IBA PANG KAPAMILYA NA PROUD KAPUSO ARTIST NA SA GALLERY NA ITO: