
Ngayong araw na, November 26, ang much-awaited joint concert nina Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose at Rayver Cruz na JulieVerse.
Kaya naman may pasilip ang dalawa as rehearsals ng kanilang concert na lubusan daw nilang pinaghandaan.
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Julie Anne ang ilang litrato nila ni Rayver na may hawak na gitara habang nasa stage.
Bukod dito, may ilang pictures din ng dance rehearsal ng concert guests nilang sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara.
May sarili ding post si Rayver sa kanyang Instagram account ng practice nila si Julie Anne para sa isang special joint performance.
Itatanghal ang JulieVerse sa November 26 sa Newport Performing Arts Theater sa Pasay City.
Para sa tickets at iba pang impormasyon tungkol sa concert, bumista lang sa www.gmanetwork.com/synergy or kaya naman sa www.ticketworld.com.ph.
SAMANTALA, SILIPIN ANG SWEESTEST PHOTOS NINA JULIE ANNE SAN JOSE AT RAYVER CRUZ SA GALLERY NA ITO: