GMA Logo Julie Anne San Jose, Rayver Cruz
What's Hot

Julie Anne San Jose to Rayver Cruz: "I love you, too"

By Faye Almazan
Published November 27, 2022 10:16 AM PHT
Updated November 27, 2022 10:20 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Chile wildfires kill 19 amid extreme heat; scores evacuated
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Julie Anne San Jose, Rayver Cruz


Punung-puno ng suporta at pagmamahal sa 'JulieVerse,' ang successful na unang concert nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.

Niyanig ni Julie Anne San Jose ang Newport Performing Arts Theater nang sabihan na niya nang "I love you, too" si Rayver Cruz.

Nagperform sila Julie Anne at Rayver, o JulieVer sa kanilang mga fans, sa kauna-unahan nilang concert together na 'JulieVerse' nitong Sabado.

Habang nasa stage ay inihayag muli ni Rayver ang kanyang nararamdaman para kay Julie Anne.

"Naalala mo 'nung birthday mo, sinabi ko naman sa'yo kung anong nararamdaman ko... gusto ko lang din iparinig sa kanila, Julie Anne San Jose, I love you. I love you so much."

Kilalang masugid na manliligaw ni Julie Anne si Rayver at ilang beses na rin niyang isinapubliko ang nararamdaman para sa dalaga.

Ngunit ikinagulat at ikinakilig nang mga fans ang naging sagot ni Julie Anne.

"Ang dami nang nagbago sa buhay ko simula nang dumating ka kaya gusto kong sabihin, I love you too," ani ni Julie Anne na siyang ikinasaya ng fans ng JulieVer.

Sinabi rin ni Julie Anne na "sobrang grateful" siya na dumating sa buhay niya si Rayver.

Pinakilig nila Julie Anne at Rayver ang kanilang mga fans sa mga performances nila sa 'JulieVerse' concert na naganap nitong Sabado.

SAMANTALA, TIGNAN ANG NAGING REHEARSALS NILA PARA SA 'JULIEVERSE' SA GALLERY NA ITO: