Showbiz News

Kiray Celis sa mga bashers: 'Secret admirers ang tawag ko sa kanila'

By Jimboy Napoles

Matagal na ring nasa show business ang Kapuso actress at comedienne na si Kiray Celis kaya hindi na bago sa kaniya ang magkaroon ng bashers.

Sa one-on-one interview ni Nelson Canlas kay Kiray para sa GMA Integrated News podcast na Updated with Nelson Canlas, ibinahagi ng aktres kung paano niya hinaharap ang kaniyang mga basher na laging pumupuna at may komento sa kaniyang trabaho at personal na buhay.

Ayon kay Kiray, hindi niya na binibigyan ng panahon na patulan pa ang mga ito bagkus, itinuturing niya na lamang ang mga ito bilang kaniyang mga secret admirer dahil mas updated pa ang mga ito sa kaniyang mga pinagkakaabalahan.

Aniya, "'Yung mga 'yan, alam mo, mga secret admirer ang tawag ko sa kanila. Kasi they are updated, the more na pinapansin nila picture ko mas kinikilig po ako."

"Wala namang mangyayari kung papatulan kita. Lalo na pag inisip ko na parang hindi naman ako magkakapera sa'yo so bakit kita papatulan?" dagdag pa niya.

Natutunan na rin ni Kiray na maging confident sa kaniyang sarili at hindi na magpapaapekto pa sa sinasabi ng ibang tao.

"Nakalagay kasi sa Instagram ko maganda, mahiyain, matangkad 'yon ang mga wala sa akin kaya 'wag n'yo na hanapin.

"Sa mga matataas ang tingin nila sa sarili nila wala akong ganu'n kasi feeling nila nasa sa kanila 'yun so bigay na natin 'yun sa kanila. Hindi naman na ako lalaban e," saad niya.

Sa nasabing panayam, ibinahagi rin ni Kiray ang kaniyang sikreto upang magtagal sa industriya.

Aniya, "Stay humble all the time. I think number one talaga aside sa talent, kasi ang daming talented na Pilipino. Lahat ng lugar, lahat 'yon may talent, pero I think 'yung nagpapa-stay sa akin is 'yung pagiging humble."

Huling napanood si Kiray sa katatapos lamang na GMA Afternoon Prime series na Return To Paradise na pinagbidahan nina Derrick Monasterio at Elle Villanueva.

Sa ngayon, nakatuon ang atensyon ni Kiray sa kaniyang mga magulang at pag-aasikaso sa kaniyang mga negosyo.

SILIPIN ANG SEXIEST PHOTOS NI KIRAY CELIS SA GALLERY NA ITO: