Showbiz News

Put Your Head on My Shoulder: Ang unang halik | Week 3 recap

By Kristian Eric Javier

Dahil sa kalasingan, inakala ni Perry na ang hahalikan niyang si Ashing ay si Molly at ikinagulat niya nang makita niya ito sa pintuan kasama si Wayne.

Pinaalis sila ni Wayne at isang alaala ang bumalik kay Molly tungkol sa pagiging fragile ng mga glass products at kung paanong hindi lahat ng tao ay iingatan ito, at kapag nabasag ay kailangan nang itapon.

Alam ni Wayne na nasaktan at nagselos si Molly sa nangyari nung nakaraang gabi kaya't sinisigurado niya na ayos lang ito at ayaw niya paalisin.

Sinubukan pa niyang ipalinis ang bahay pati na rin ang drainage ng banyo, pero dahil hindi naman marumi ang bahay at kailangan ng tubero para sa banyo, nakaalis pa rin si Molly.

Paraan lang ba ito ni Wayne para makasama si Molly?

Nagkaayaan naman ang mga kaibigan ni Molly sa beach kasama sina Wayne at Perry. Nagkaroon ng bonding sina Wayne at si Molly, at kita na apektado si Perry sa nangyari.

Lumabas din ang caring side ni Wayne nang tanungin niya si Perry sa relasyon niya kay Ashing. Sinabi ni Wayne na importante para sa kanya na malaman kung ano ang relasyon ng dalawa at kung papaano worthy si Molly para masira ang pagkakaibigan nila.

Pagbalik nila sa siyudad, Pinuntahan agad ni Perry si Molly at inaya mag-usap. Sa pag-uusap nila, hiniling ni Perry na bigyan siya muli ni Molly ng chance at niyakap siya nito, pero tumakbo lang si Molly pabalik ng dorm.

Hindi naman maitago ni Wayne ang selos at tinanong agad nito si Molly kung ano ang napag-usapan nila ni Perry. Dito inamin ni Molly na nag-away sila ni Perry at na ni-reject niya ito. Si Wayne naman, hindi napigilang ngumiti sa nalaman.

Sa dorm, ipinagdiwang nila ang birthday ni Molly at dahil sa pagod, nakatulog na si Wayne sa sala nila. Pinilit gisingin ni Molly si Wayne pero hindi ito nagising kaya hinayaan na lang niya ito matulog.

Nang magising siya, binalikan niya ang natutulog na Wayne sa sala at ginulo ito para gisingin. Pero dahil sa antok, nang magising ito sandali, ay hinalikan niya si Molly bago bumalik sa pag tulog.

Kinabukasan, walang maalala si Wayne sa ginawa niya at dismayadong umalis si Molly habang walang kamalay-malay si Wayne.

Sa dorm, dahil walang kuryente at nag-snow, nilamig si Molly at tinawagan si Wayne para magpabili ng heating patch, pero pinababa lang siya nito para makita ang snow. Pagbaba, binigay ni Wayne sa wakas ang kanyang confession sa pamamagitan ng isang equation, pero hindi ito naintindihan ni Molly at ibinalik lang sa kanya.

Pero hindi pa rin sumuko si Wayne at binigyan si Molly ng math problem na kapag na-solve ay malalaman niya ang tunay nitong nararamdaman para sa kanya, pero nagalit lang ito.

Maipapalam pa ba ni Wayne ang tunay niyang nararamdaman kay Molly? Abangan sa mga susunod na episode ng Put Your Head on My Shoulder sa GMA.

MAS KILALANIN PA SI XING FEI, ANG AKTRES NA GUMANAP NA MOLLY, DITO: