Showbiz News

'Another Miss Oh,' malapit nang mapanood sa GMA Telebabad!

By Abbygael Hilario

Isa na namang nakakakilig na Korean drama ang inihahandog ng Heart of Asia para sa mga Kapuso!

Malapit nang mapanood sa GMA ang romantic comedy Korean drama series na Another Miss Oh.

Iikot ang istorya nito sa dalawang babae na may parehong pangalan ngunit magkaiba ng kapalaran.

Si Ethel Oh (Jeon Hye-bin) ay isang magandang assistant manager na nagtatrabaho sa restaurant division ng isang kumpanya. Hindi siya sumipot sa mismong araw ng kasal niya kay Marlon (Eric Mun) at nagdesisyon na lumipad papuntang Europe.

Malalaman ni Marlon na ikakasal ang isang Ethel Oh kay Terence (Lee Jae-yoon). Sisirain niya ang buhay ni Terence ngunit lingid sa kaniyang kaalaman na sa ibang Ethel Oh pala ito ikakasal.

Si Seo Hyun-jin ang gaganap bilang simpleng Ethel Oh. Sa hindi rin inaasahang pagkakataon ay magtatagpo naman ang landas nila ni Marlon na lalong magpapakumplika sa kanilang sitwasyon.

Ano kaya ang magaganap sa pagtatagpo nila? Maaayos kaya ni Marlon ang sinimulan niyang gulo?

Huwag palampasin ang Another Miss Oh, malapit na sa GMA Telebabad!

SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG GHOST DOCTOR NA ISA RING KOREAN DRAMA SERIES NA MAPAPANOOD SA GMA TELEBABAD SA GALLERY NA ITO: