Showbiz News

Sofia Pablo, Allen Ansay masayang dumalo sa Kapuso Brigade Grand Eyeball 2022

By Abbygael Hilario

Sa interview ng GMANetwork.com sa Sparkle sweethearts na sina Sofia Pablo at Allen Ansay, ibinahagi ng dalawa ang kanilang naramdaman matapos makasama ang kanilang fans sa Kapuso Brigade Grand Eyeball 2022 na ginanap noong Sabado, November 26, sa URBN, Quezon City.

Para sa Kapuso stars, isang espesyal na araw ang naturang event dahil nagkaroon sila ng pagkakataon na makasama ang kanilang mga taga-suporta.

Ani Sofia, “Natutuwa ako kasi I can see familiar faces na hanggang ngayon Kapuso Brigade pa rin sila.”

“Para sa akin po, special 'tong pag-meet namin sa mga Kapuso Brigade natin kasi ito yung first time na magkasama kami ni Sofia na i-meet namin sila. I'm so happy na na-meet namin yung mga nami-meet namin sa Zoom lang, in-person,” saad ni Allen.

Matapos ang kanilang romantic fantasy series na Raya Sirena' bibida naman sina Allen at Sofia sa kauna-unahang GMA Network-Wattpad series TV adaptation na Caught In His Arms at digital series na In My Dreams na handog ng GMA Public Affairs.

Ayon kay Sofia, masaya siya na marami siyang achievement kasama ang Kapuso teen heartthrob.

“Ngayon ang dami na naming naa-achieve and masaya kasi we get to work na kasama naming yung isa't isa and iba talaga kapag nagwo-work ka tapos merong isang tao na alam mong hindi ka idya-judge and susuportahan ka and papagaanin yung loob mo.”

SAMANTALA, TIGNAN ANG MGA NAKAKAKILIG NILANG LARAWAN SA GALLERY NA ITO: