GMA Logo The Wolf
What's Hot

The Wolf: Ang mapait na katotohanan | Week 7

By Ron Lim
Published November 29, 2022 4:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Carla Abellana, ikinasal na sa kaniyang non-showbiz partner
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

The Wolf


Sa ika-pitong linggo ng The Wolf, lalabas na ang sikretong matagal na itinago ng Prinsipe.

Sa ika-pitong na linggo ng The Wolf, malalaman na ni Ma Zhai Xing ang mapait na katotohanan tungkol sa pagkamatay ng kanyang ama.

Dahil sa sitwasyon sa pagitan ng kanilang mga pamilya at kawalan ng kasiguraduhan kung kailan sila muling magkikita, napagkasunduan ni

Prinsipe Chu You Wen at Ma Zhai Xing na magpakasal, kahit kunwari lamang. Ngunit nais ng Prinsipe na hintayin ang araw na tunay silang magpapakasal ni Ma Zhai Xing.

Habang magkasama si Prinsipe Chu You Wen at Ma Zhai Xing, si Ji Chong naman ay nasa mga Ma upang ipaalam sa kanila kung sino ang nasa likod ng pagpaslang sa kanilang pinuno, ang ama ni Ma Zhai Xing. Dahil dito, pinagdududahan ngayon ng pamilya ang lahat ng aksyon na ginawa ni Prinsipe Chu You Wen.

Samantala, desperado na ang Emperador ngayong nalaman na niya na alam na ng mga Ma na siya ang nasa likod ng pagpaslang sa ama ni Ma Zhai Xing. Dahil sa abiso ni Prinsipe Chu You Wen, napagdesisyunan ng emperador na huwag munang paslangin si Ma Zhai Xing at inutusan ang prinsipe na iligtas ito mula kay Yao Ji.

Nagkaharap na muli si Prinsipe Chu You Wen at si Ma Zhai Xing at sa pagkakataong ito ay hindi na maitago ng Prinsipe na siya ang pumaslang sa ama ni Ma Zhai Xing. Isa itong katotohanan na lubhang ikinasama ng loob ni Ma Zhai Xing.

Sa muling paghaharap ni Ma Zhai Xing at ni Prinsipe Chu You Wen ay ipinaliwanag ng Prinsipe kung bakit niya ginawa ang kanyang mga nagawa. Ayon sa Prinsipe, namatay ang lobong kilala ni Ma Zhai Xing simula nung pinagtaksilan siya nito, at ngayon ay mas binibigyan niya ng halaga ang pagiging tapat sa pamilyang kumupkop sa kanya.

Ang muli namang magkaharap ngayon ay si Ji Chong at si Prinsipe Chu You Wen upang magpalitan sila ng mga bihag na hawak. Puno ng tensyon ang kanilang paghaharap.

Patuloy na abangan ang Chinese drama na The Wolf sa GMA, mula 11:30 p.m. hanggang 12 a.m.