GMA Logo Kim Bum, Rain
What's Hot

Ghost Doctor: Ang huling apat na gabi!

Published November 29, 2022 6:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pila ka mga turista, ginpili igasaulog sang bag-ong tuig sa isla sang Boracay | One Western Visayas
Electrical issues are top cause of New Year's Eve fires – BFP
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

Kim Bum, Rain


Sa nalalapit na pagtatapos ng 'Ghost Doctor,' malalaman na natin kung magigising pa ba si Henry o tuluyan na siyang maglalaho na parang multo!

Sa kagustuhan ni Peter na gumanti, ipinahamak niya si CJ (Kim Bum)! Inutusan niya ang kaniyang mga tauhan para saktan ito. Sa lakas ng hampas nila kay CJ, nakalabas ang kaluluwa ni Henry sa katawan niya.

To the rescue naman ang kaibigan nila na si Tes! Nailigtas sila nito at sugat lang sa braso ang tinamo ni CJ.

Photo source: GMANetwork


Samantala, matapos ang ilang araw, buhay naman ni Henry ang malalagay sa alanganin! Makikita ni Cyrene na unti-unting tumataas ang white blood cells niya na maaaring sanhi ng mas malalang kondisyon!

Papayuhan naman ni Henry (Rain) si CJ na ayusin ang kaniyang trabaho dahil gusto niya na si CJ ang pumalit sa kaniya bilang mahusay na doktor sa kanilang ospital.

Pamamaalam na ba ito? Magigising pa kaya si Henry?

Abangan sa huling apat na gabi ng 'Ghost Doctor,' 10:20 p.m., sa GMA Network!

KILALANIN ANG CAST NG 'GHOST DOCTOR' SA GALLERY NA ITO: