TV

Kylie Padilla, nagsimula na sa training para sa kaniyang upcoming 'Mega Serye'

By Abbygael Hilario

Simula na ang training ng Kapuso star na si Kylie Padilla para sa upcoming action-fantasy-series ng GMA kung saan makakasama niya ang kaniyang Encantadia sisters na sina Gabbi Garcia at Sanya Lopez.

Sa interview ni Cata Tibayan sa 24 Oras, ikinuwento ni Kylie kung paano nila inalala ang kanilang dating teleserye.

Aniya, “Nagflashback nga kami. Sabi nga namin ano 'to? Enca part two na?

"Kasi nagkikita na naman kami sa training na ganito so parang…parang bumalik lang kami.”

Hindi man bago kay Kylie ang mapasama sa isang action series, malaking hamon pa rin sa Kapuso actress ang kaniyang magiging role para sa nalalapit na 'mega serye.'

“Mas realistic yung bakbakan. I feel very very happy to be part of another show that shows the strength of women,” sabi niya.

Nabanggit din ni Kylie na humingi siya ng tulong sa kaniyang ama at action star na si Robin Padilla na kaniyang iniidolo pagdating sa mga bakbakan.

“Actually, nagpatulong ako sa tatay ko. Tinawagan ko siya and I said, “Pa, tulungan mo naman ako. Anong pwede kong gawin?” Oh ayun, siya na yung nag-connect-connect. Pupunta na lang ako doon. Kinakabahan nga ako eh. Siyempre iba 'yon. Mahirap 'yon,” saad niya.

Makakasama rin nina Kylie, Gabbi at Sanya sa naturang palabas ang Kapuso hunk na si Vin Abrenica.

Isang post na ibinahagi ni Vin Abrenica (@vinabrenica)

SAMANTALA, TIGNAN ANG MAGAGANDANG LARAWAN NI KYLIE PADILLA SA GALLERY NA ITO: