Ruby Rodriguez reacts to Joey de Leon's throwback photo of 'Eat Bulaga' OG cast
Isa sa mga tumatak na original host ng longest-running noontime show sa bansa na Eat Bulaga ay ang batikang TV personality na si Ruby Rodriguez na kasalukuyan nang naninirahan sa Amerika.
Sa Instagram nitong Miyerkules, November 30, inamin ni Ruby na nami-miss niya na ang mga dating kasamahan sa nasabing programa nang i-repost niya ang larawan na ibinahagi ni Joey de Leon kung saan makikita ang OG cast members ng Eat Bulaga.
"Thank you @angpoetnyo @helenstito Memories indeed. Missing all dabarkads. #nostalgia #wednesdayfeels," ani Ruby sa kanyang post.
Makikita sa nasabing larawan ang ilang OG dabarkads na hindi na napapanood ngayon sa naturang noontime show kabilang na ang pumanaw na na si Francis Magalona, aktres na si Toni Rose Gayda, at sina Gladys Guevarra, Janno Gibbs, Anjo Yllana, Jimmy Santos, at Toni Gonzaga.
Sa comments section ng naturang post ni Ruby, marami din ang inalala ang dating mukha ng Eat Bulaga kabilang na ang music artist at asawa ni Donita Rose na si Felson Palad.
"EB is never the same without you Ate. You are such an icon. There's warmth when people watch you sa television pag tanghali parang kausap and kasama mo yung Tita mo. Haaay I also miss Francis M. Such a blessing and Kasama na sya sa kulturang pinoy," saad ni Felson.
Taong 2021 nang magdesisyon si Ruby na manirahan na sa Amerika upang matutukan ang pagpapagamot ng kanyang anak na si AJ na mayroong rare medical condition.
Ngayon ay kasalukuyang nagtatrabaho si Ruby sa Philippine Consulate sa Los Angeles, California.
Samantala, tumutok naman sa Eat Bulaga, Lunes hanggang Biyernes, 12 p.m., at tuwing Sabado, 11:30 a.m. sa GMA.
SILIPIN ANG BUHAY SA AMERIKA NI RUBY RODRIGUEZ SA GALLERY NA ITO: