GMA Logo Ashley Ortega and Xian Lim
What's on TV

Ashley Ortega and Xian Lim share first taping day of 'Hearts On Ice'

By Aimee Anoc
Published December 1, 2022 3:34 PM PHT
Updated January 27, 2023 1:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Ortega and Xian Lim


Pagbibidahan nina Ashley Ortega at Xian Lim ang bagong sports drama series ng GMA, ang 'Hearts On Ice.'

Nagsimula na ang taping ng cast ng kauna-unahang Filipino figure skating series na Hearts On Ice.

Sa kanilang Instagram stories, ibinahagi ng lead stars na sina Ashley Ortega at Xian Lim ang unang araw nila sa taping noong Sabado, November 26.

Ipinakita ng aktres ang ilan niyang scenes kasama ang aktor na si Lito Pimentel. Ipinasilip naman ni Xian ang karakter na gagampanan niya sa serye bilang Enzo.

Ngayong Huwebes, December 1, ilang kulitan scenes naman ang ipinakita ni Ashley kasama ang batikang aktres na si Amy Austria. Pagbati ng aktres, "Hello from Nanay Libay and Ponggay."

Makakasama rin sa Hearts On Ice sina Rita Avila, Tonton Gutierrez, Lito Pimentel, Ina Feleo, Cheska Iñigo, Antonette Garcia, Kim Perez, Ruiz Gomez, Roxie Smith, at Skye Chua.

Abangan ang Hearts On Ice, soon sa GMA.

TINGNAN ANG NAGANAP NA STORY CONFERENCE NG 'HEARTS ON ICE' RITO: