
Sa ikatlong linggo ng My Shy Boss, mayroong utos si Joaqui (Yeon Woo-jin) sa isa sa kaniyang mga empleyado para paghandaan ang kanilang presentation.
Sa araw ng presentation, napagdesisyunan ng grupo na si Joaqui na lamang ang magpe-present sa harap ng maraming tao dahil hindi nakapunta ang isa nilang co-worker na dapat ang gagawa nito.
Dahil dito, umatake ang kaniyang phobia at naalala ang mga pinagdaanan noong kabataan niya, kung kaya't hindi siya makapagsalita sa harap ng audience.
Matapos ang nangyari, isang tao ang tumawag kay Joaqui at sinabi ang kinaroroonan ng kaniyang mga empleyado. Natagpuan ni Joaqui na lasing ang kanyaing staff at isa-isa niya itong tinulungan na makauwi nang ligtas.
Nang makabalik ito sa bar, matapang na hinarap at kinonpronta ni Rory (Park Hye-soo) si Joaqui bago ito tuluyang bumagsak sa mga kamay ng huli.
Sa isang pagbabalik-tanaw, binigyan ng ate ni Rory si Joaqui ng tips kung paano magpa-impress sa mga babae. Bilang pasasalamat, binigyan ni Joaqui ng bagong sapatos si Jackie.
Tuwang-tuwa naman si Joaqui nang ayain siyang mag-date ng kaniyang nililigawan sa Christmas Eve.
Samantala, nagkaroon ng lakas ng loob si Wendel (Yoon Park) na aminin ang totoong nararamdaman niya para sa nakatatandang kapatid ni Rory. Nasaksihan pa ni Joaqui na magkasama ang dalawa sa loob ng kotse.
Matapos naman pumanaw ng kaniyang kapatid at ina, hindi matanggap ni Rory na sunod-sunod na nawala ang mga taong mahalaga sa buhay nila ng kaniyang ama.
Subaybayan ang My Shy Boss tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:00 a.m., sa GMA.
Balikan ang mga nakaraang tagpo sa My Shy Boss dito.
My Shy Boss: Joaqui's phobia
My Shy Boss: When your love language is gift-giving
My Shy Boss: Joaqui got invited on a date
My Shy Boss: Bruised heart of a miserable child