What's Hot

Gladys Reyes, gustong mag-produce ng kiddie show

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated August 22, 2020 6:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Steel Ball Run: JoJo's Bizarre Adventure' to release first episode in March 2026
My Chemical Romance moves Asia show dates to November 2026fa
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Sa bawat teleserye na ating napapanood, kontrabida ang role ng Kapuso actress na si Gladys Reyes. Ngunit kung gaano siya kasama on-screen ay taliwas naman ito sa kanyang totoong ugali off-screen.

Sa bawat teleserye na ating napapanood, kontrabida ang role ng Kapuso actress na si Gladys Reyes. Ngunit kung gaano siya kasama on-screen ay taliwas naman ito sa kanyang totoong ugali off-screen. Mapagmahal siya sa kanyang mga anak at sa kanyang asawa na kapwa artista na si Christopher Roxas.

“I’m always praying na ‘yung family namin kahit living a simple life, we stick together no matter what. Very important na makita kong very healthy silang lahat,” ang panalangin niya araw-araw para sa kanyang pamilya.

Ipinagmamalaki ni Gladys si Christopher Roxas sa pagiging responsable nito at mabuting ama kina Christophe, 7, Aquisha, 5, at Grant, 3.

“Meron kang katuwang sa pagpapalaki sa mga anak at pagdidisiplina sa kanila. Nakakasiguro ako na kahit gaano ako ka-busy, hindi mapapabayaan ‘yung mga kids,” ang kuwento niya tungkol kay Christopher.

Board member ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) si Gladys. Kasama siya sa mga naglalayon na masigurong naaayon ang mga palabas sa telebisyon at pelikula sa moral nating mga Filipino.

Aniya, “May panukala ang NCCT (National Council for Children’s Television) na dapat at least 15% of total air time ng bawat network, dapat kiddie shows at child friendly shows.”

Kaya naisipan niya na sa kanyang sariling paraan ay tugunan ang adhikaing ito sa pamamagitan ng pag-produce ng sarili niyang kiddie show.

“Until now, gusto ko pa rin mag-produce ng kiddie show. Kung mayaman lang ako, agad agad ginawa ko ‘yun. Ayaw mo naman gumawa ng kiddie show na titipirin mo lang. Dapat may budget.”

Dagdag pa niya makakabuti ito hindi lang sa mga bata kundi pati na rin sa mga magulang na nag-aalala sa mga pinapanood ng kanilang mga anak sa telebisyon. Dahil sa murang edad ng mga bata, madali silang maimpluwensyahan ng mga pinapanood nila.

“Hindi lamang ‘yung mga kids, pero siyempre tayong mga magulang mas at peace tayo na ‘yung pinapanood ng ating mga anak, nakakatulong sa kanilang individuality.”

Abangan ang primera kontrabida sa Kambal Sirena ngayong 2014 sa GMA Telebabad. Para sa updates ng paborito niyong artista at mga shows, laging bumisita sa www.gmanetwork.com.

-- Text by Eunicia Mediodia, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com.