GMA Logo Seo Hyun jin Jeon Hye bin Eric Mun
Photo source: GMANetwork
What's Hot

'Another Miss Oh,' mamaya na!

By Abbygael Hilario
Published December 5, 2022 5:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Is Chavit Singson considering to buy Miss Universe Organization? 
27 couples wed in Jaen civil wedding
BTS's pop-up store is coming back to Manila this December

Article Inside Page


Showbiz News

Seo Hyun jin Jeon Hye bin Eric Mun


Simula mamayang gabi, mapapanood na sa GMA-7 ang sikat na romantic comedy Korean drama series na 'Another Miss Oh'!

Magsisimula na mamayang gabi ang bagong romantic comedy Korean drama series na inihahandog ng Heart of Asia para sa mga Kapuso!

Ipalalabas na sa GMA Telebabad ang inaabangang K-drama series na Another Miss Oh.

Iikot ang seryeng ito sa dalawang babae na may parehong pangalan ngunit magkaiba ng kapalaran.

Si Jeon Hye-bin ang gaganap bilang pretty Ethel Oh, isang magandang assistant manager na nagtatrabaho sa restaurant division ng isang kumpanya. Gaganap naman ang award-winning South Korean actress na si Seo Hyun-jin bilang simpleng Ethel Oh, isang simpleng babae na sanay na sa kamalasan ng buhay.

Bibida rin si Eric Mun bilang Marlon, ang lalaking magpapakumplika sa sitwasyon nina pretty Ethel Oh at simple Ethel Oh.

Makakasama rin nila rito ang sikat na actor at model na si Lee Jae-yoon na gagampanan ang karakter ni Terence.

Ano kaya ang magiging papel nina Marlon at Terence sa buhay ng dalawang Ethel Oh?

Subaybayan ang kanilang kaabang-abang na kuwento sa Another Miss Oh, weeknights, 10:20 p.m., sa GMA Telebabad!