
Ramdam ang sama ng loob ng misis ng former Pilipinas Got Talent winner na si Jovit Baldivino sa mga “fake news” diumano sa kaniyang asawa.
Sa Facebook post ni Camille Ann Miguel noong Martes (December 6), may pakiusap siya sa mga netizen na nagpo-post tungkol kay Jovit.
Lahad niya, “Sa lahat po ng nag popost sa asawa ko siguraduhin nyong tama ang post n''yo at di kayo nakakatulong lalo nyo pinalalala dí kayo nakakatulong matuto kayo humingi ng permission.
“Wag nyo pong palalain ang sitwasyon n''ya!!!!!!makapag post lng kayo...prayers po ang kailangan namin di ang maling post nyo!”
Kinumpirma naman ni Camille sa isang panayam ng entertainment portal na PEP.PH na totoong nasa ospital ang mister.
Pero binigyan-diin niya na kailangan nila ng dasal sa mga oras na ito sa halip na makita ang mga nagkalat na fake news.
Sabi nito, “He's in the hospital right now, [we're] asking for prayers, not fake news.
“Wala naman po akong ibang hiling kundi prayers para sa asawa. Nakakasama lang po ng loob na pinalalala ng fake news ang sitwasyon niya,”
Napanood na pa sa high-rating reality game show na Family Feud Philippines si Jovit Baldivino sa episode na ipinalabas last November 28.
TINGNAN ANG MGA CELEBRITIES NA MAY RARE MEDICAL CONDITION: