GMA Logo Seo hyun-jin as Ethel Oh
Source: GMA Network
What's Hot

Another Miss Oh: Magkakabati na kaya sina Ethel Oh at Marlon?

By Abbygael Hilario
Published December 9, 2022 6:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SLEX, STAR toll rate hike to take effect January 1, 2026 —TRB
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Seo hyun-jin as Ethel Oh


Magiging magkapitbahay sina Ethel Oh at Marlon!

Sa batch reunion nina Ethel Oh (Seo Hyun-jin), ipinagsabi niya na siya ang nang-iwan kay Terence! Ayaw niyang malaman ng mga kaibigan niya ang tunay na rason kung bakit hindi natuloy ang kasal nila.

Masayahin man siya sa harap ng mga ito, hindi pa rin niya maiwasan na malungkot. Sa sobrang pagmumukmok ni Ethel, nagdesisyon ang kaniyang mga magulang na lumayo upang matuto siyang mamuhay mag-isa.

Eric Mun Seo Hyun jin

SOURCE: GMA Network


Hindi alam ni Ethel kung saan siya titira kung kaya't naisipan niyang magpunta sa isang bar. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkita sila ni Marlon (Eric Mun). Nag-usap ang dalawa tungkol sa kanilang mga pinagdadaanan sa buhay. Hindi naman alam ni Marlon kung paano siya hihingi ng tawad kay Ethel, matapos niyang sirain ang buhay nito.


Masusundan pa ang kanilang pagkikita dahil magiging magkapitbahay sila!

Ito na kaya ang chance para maging mas malapit sila sa isa't isa?

Abangan mamaya sa 'Another Miss Oh,' 10:35 p.m., sa GMA Network.

SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG 'ANOTHER MISS OH' SA GALLERY NA ITO: