
Sa Ancient Love Poetry, tunghayan ang simula ng panahon kung kailan namuno ang apat na pinagpala. Kilalanin si Tian Xi (Liu Xue Yi), isa sa apat na pinagpala at diyos ng mga halimaw.
Si Zhi Yang (Li Ze Feng) naman ang diyos ng langit at pinuno ng kaharian ng mga diyos. Si Bai Jue (Xu Kai) naman ang pinakamagaling sa mga pinagpala.
Siya ang magiging guro ng tinakdang pinunong diyos na si Shang Gu. Kilalanin sila sa Ancient Love Poetry, tuwing weekdays 8:25 a.m. sa GMA Fantaseries.