
Nagbigay ng pagbati ang mga dating Kapamilya na sina Kuya Kim Atienza, Aiai Delas Alas, at Anjo Damiles sa nagbabalik-Kapuso na si Boy Abunda.
Sa isang Instagram post ng GMA Network tampok ang contract signing ni Boy nitong Huwebes, December 15, nag-iwan ng mensahe sina Kuya Kim at Anjo para sa premyadong TV personality na kanilang naging katrabaho rin noon.
“Congrats!! [heart emoji],” komento ni Kuya Kim.
“THAT'S MY TITO!!!! CONGRATS TITO BOY!!!!” mensahe naman ni Anjo.
Sa nasabing post, nag-komento rin ang Start-Up Ph actress na si Yasmien Kurdi.
Samantala, sa isang video message, nagpahatid din ng mensahe ang matagal nang kaibigan ni Boy na si Kapuso star Aiai.
“Ama, alam mo naman ayan isa ka na ring Kapuso. Bonggang bongga, I love you Ama. Welcome to Kapuso,” masayang mensahe ng actress-comedienne.
Sa naturang contract signing event, ipinaabot naman ni Boy ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa GMA sa naging mainit na pagsalubong sa kanya bilang nagbabalik-Kapuso.
"Mula ho sa aking puso, maraming salamat po sa inyong tiwala. Sa aking kakayahan bilang isang presenter, bilang isang talk show host, bilang isang interviewer. Maraming salamat po sa iyong paniniwala po sa aking pagkatao. Maraming salamat po sa makapusong pagtanggap n'yo dito sa akin dito sa GMA-7. I am grateful,” ani Boy.
Ngayon na muli na siyang mapapanood sa GMA, marami na rin ang nag-aabang sa mga gagawing proyekto ng tinaguriang Philippine King of Talk na si Boy.
SILIPIN ANG MGA NAGING KAGANAPAN SA CONTRACT SIGNING NI BOY ABUNDA SA GMA NETWORK SA GALLERY NA ITO: