What's Hot

Boy Abunda, hindi kailanman kinalimutan ang GMA

By Bianca Geli
Published December 18, 2022 12:12 PM PHT
Updated December 20, 2022 11:07 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 17, 2025
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Boy Abunda


Ano kaya ang mga hangarin ni Tito Boy Abunda sa kanyang pagbabalik sa GMA? Basahin dito:

Mahigit dalawang dekada na simula ng mag-umpisa ang showbiz career ni Boy Abunda sa Kapuso network.

Naging bahagi siya ng mga programang Show and Tell at StarTalk na nagpatibay raw ng kanyang abilidad sa pagiging talk show host.

Noong ika-15 ng Disyempre, opisyal na pumirma ng kontrata si Boy sa GMA, at nagbalik sa kanyang unang tahanan sa showbiz.

Ayon sa interview ni Boy kay Nelson Canlas sa Saksi, "Mabait ang Diyos. Kahit kailan naman, Nelson, hindi naman ako nawala. I didn't lose my way back home."

Inilahad din ni Boy ang mga plano niya ngayong balik Kapuso na siya. "Pupuhunanan ko ang panahon ko rito sa GMA-7 ng sipag, that sense of wonder...I wanna learn, I wanna listen. I want to invent and re-invent. I want to be able to imagine and re-imagine, and hopefully come up with some things that are exciting."

Ang mensahe raw ni Boy sa sarili niya ngayon ay puno ng pagpapasalamat. "Magpasalamat ka dahil ang bait ng Diyos, at pagbutihan mo. Ang lakas pa rin ng loob mo. 'Yun naman ang puhunan ko, noong nag-uumpisa pa lang ako rito sa industriya."

Silipin ang pagbabalik GMA ni Boy Abunda: