
Isang reyna ang malapit nang magbalik sa Kapuso Network!
Ipapalabas muli sa GMA-7 ang South Korean historical drama series na Queen Seondeok.
Una itong napanood sa Korea noong 2009, at ipinalabas ito sa GMA noong taong 2010.
Ito ay kuwento ni Prinsesa Deokman at ng kanyang pag-angat sa kapangyarihan bilang isang reyna.
Tampok sa serye ang Korean stars na sina Lee Yo-won na mapapanood bilang si Prinsesa Deokman/Queen Seondeok, Go Hyun-jung bilang si Lady Mishil, Uhm Tae-woong bilang si Kim Yushin, Park Ye-jin bilang si Prinsesa Cheonmyeong, at Kim Nam-gil bilang si Bidam.
Muling pasukin ang mundo ni Deokman na puno ng inggitan, alitan, at agawan ng kapangyarihan.
Paano kaya mababawi ni Deokman ang kahariang nakatakda para sa kaniya?
Abangan ang kasagutan sa muling pagpapalabas ng Queen Seondeok sa GMA Network.
Huwag palampasin ang pagbabalik ng isa sa pinakamamahal na Koreanovelas sa Asya!
SAMANTALA, SILIPIN ANG ILANG KOREAN DRAMAS NA SINUBAYBAYAN NG MGA PINOY SA GALLERY SA IBABA: