GMA Logo You Are My Heartbeat
What's Hot

'You Are My Heartbeat,' bagong Lakorn series na magpapakilig sa GMA simula Enero!

By Al Kendrick Noguera
Published December 19, 2022 3:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

46,000 Catholics join first day of Misa de Gallo in Davao City
'Easiest scam in the world': Musicians sound alarm over AI impersonators
Kelvin Miranda sizzles on the cover of online lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

You Are My Heartbeat


Malapit nang mapanood ang rom-com Lakorn series na 'You Are My Heartbeat' sa GMA.

Kilig vibes ang ihahatid tuwing umaga ng bagong rom-com Lakorn series ng GMA, ang You Are My Heartbeat.

Pinagbibidahan ito ng mahuhusay na Thai stars na sina Puttichai Kasetsin bilang Rocky at Davika Hoorne bilang Katrina.

Makakasama rin sa seryeng ito sina Jackrin Kungwankiatichai (Denver), Carissa Springett (Lani), Pongtiwat Tangwancharoen (Steve), at Mintita Wattanakul (Rosa).

Ang kuwento ng You Are My Heartbeat ay tungkol sa masipag na negosyante at neat freak na si Rocky, na ayaw sa kasinungalingan. Makikilala naman ni Rocky ang tricky designer na si Katrina.

Hindi maganda ang relasyon ni Katrina sa kanyang ina na si Pia dahil iniwan nito ang kanyang ama para kay Neil, ang nagmamay-ari ng isang malaking garment-textile company.

Samantala, si Rocky ay inampon ni Barbara noong siya'y bata pa lamang at pinagsikapan niyang magtrabaho nang mabuti upang maibalik sa tamang direksyon si Denver para kay Barbara.

Magtutulungan naman sina Rocky at Katrina, ang ex-girlfriend ni Denver, sa trabaho upang mapapunta ang huli sa kumpanya nang hindi nalalaman na si Barbara ang rason ng kanilang hiwalayan.

Mayroon man silang pagkakaiba, posible kayang may mabuong pag-ibig sa pagitan nina Rocky at Katrina?

Huwag palampasin ang You Are My Heartbeat sa darating na Enero sa GMA.