GMA Logo Mikee Quintos at Paul Salas
What's on TV

Mikee Quintos at Paul Salas, mapapanood din sa upcoming series na 'The Write One'

By Marah Ruiz
Published December 19, 2022 7:11 PM PHT
Updated March 8, 2023 5:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Mikee Quintos at Paul Salas


Makakasama nina Ruru Madrid at Bianca Umali sa 'The Write One' ang isa pang Kapuso couple, sina Mikee Quintos at Paul Salas.

Magiging doble ang kilig sa upcoming romance fantasy series na The Write One dahil magsasama sa serye ang dalawang real life Kapuso couples.

Sina Ruru Madrid at Bianca Umali ang bida ng serye at ito ang kaunaunahang beses nilang magtatamabal sa isang proyekto.

Makakasama nila rito ang kanilang mabubuting kaibigan at kapwa Kapuso real life couple na sina Mikee Quintos at Paul Salas.


"Sobrang excited ako na makakasama ko ulit si Ruru after seven or six years kasi 'Encantadia' ko siya unang naka-work. Si Bianca naman, nag-guest lang din kami together so first time itong full show na regular. Excited akong makita kung anong lalabas sa dynamics naming apat,' pahayag ni Mikee.

"Habang audition talaga, hopeful na kami na kami 'yung makuha. Makakatrabaho ko ulit si Ruru dahil nanggaling kami sa 'Lolong.' Of course, 'yung girlfriend niya, si Bianca, first time ko makakatrabaho. Sobrang happy lang kami na naging parte kami nito," lahad naman ni Paul.

Nag-react naman sina Ruru at Bianca sa casting ng kanilang mga kaibigan.

"Parang mas madali na mag-trust sa isa't isa kasi magkakaibigan kaming lahat. Gets na namin kung paano gagawin 'yung ganitong mga eksena. Madali lang pag-usapan," bahagi ni Ruru.

"I think the advantage is the other person knows the other person very well so in terms of connecting and knowing how to be comfortable and knowing na kilalanin kung paano gumalaw 'yung isang tao, we get to ask each other questions," pag-sang-ayon naman ni Bianca.

Ang The Write One ay kuwento ng isang taong mabibigyan ng pagkakataon na i-rewrite ang kanyang buhay sa pamamagitan ng isang misteryosong typewriter.

Nang literal na magbabago ang buhay niya overnight dahil nagkatotoo ang isinulat na kuwento, kukuwestiyunin niya ang mga bagay na tunay na mahalaga para sa kanya.

Ang The Write One ay mula sa konsepto ni Lolong executive producer Mark Norella at nasa ilalim ng direksiyon ni Ilustrado director King Mark Baco.

Abangan ang The Write One, soon on GMA.