
Ikinuwento ni Sparkle actress Kylie Padilla ang mga dapat abangan sa upcoming film na Unravel kung saan makakasama niya ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson.
Hulyo nang lumipad ang aktres papuntang Switzerland para sa shoot ng pelikulang ito ng Mavx Productions, Inc. Sa Unravel, pagbibidahan nina Kylie at Gerald ang karakter nina Lucy at Noah.
Photo by: mavxproductions (IG)
"Never kong pinangarap na pumunta ng Switzerland but when I got there sobrang ganda pala roon. Sobrang laking blessing ng movie na iyon, medyo dark siya but 'yung whole experience tapos nakapunta ako ng Switzerland, kakaibang experience," sabi ni Kylie sa interview ng GMANetwork.com.
Ayon kay Kylie, may kaugnayan ang Unravel sa mental health. Aniya, "Feeling ko maraming mixed reaction pero kaya ko naman kasi ginawa ang movie na iyon because also for me.
"Kasi na-feel ko lang 'yung character ko sobra and in some way sana maging way to uplift people 'yung pinagdaanan niya kasi medyo dark talaga siya pero iyon, it has a happy ending naman. Sana umuwi 'yung mga tao sa sinehan na na-uplift sila, na may natutunan sila. In some way, makatulong 'yung movie in their struggles kasi when I red the script nakatulong s'ya sa akin."
Dagdag ng aktres, marami rin siyang natutunan sa co-star niyang si Gerald. "Gaya niyan 'di ba, binigay sa akin 'yung chance na maka-work ko si Gerald, matagal ko nang pinapanood 'yung movies niya. Ang dami kong natutunan sa kanya rin, mahusay."
Samantala, nagsimula na ang taping ni Kylie para sa upcoming mega serye ng GMA, kung saan makakasama niya sina Sanya Lopez at Gabbi Garcia.
TINGNAN ANG MGA LARAWAN NI KYLIE PADILLA SA SWITZERLAND DITO: