GMA Logo anthony rosaldo
What's Hot

Anthony Rosaldo, isa sa bagong cast ng 'Ang Huling El Bimbo'

By Aaron Brennt Eusebio
Published December 27, 2022 4:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

anthony rosaldo


Kabilang si Kapuso Pop Rocker Anthony Rosaldo sa bagong cast ng hit Filipino musical na 'Ang Huling El Bimbo!' Alamin ang buong detalye rito:

Masayang-masaya si Kapuso Pop Rocker Anthony Rosaldo dahil siya ang napili gaganap bilang batang Hector sa 2023 run ng hit Filipino musical na Ang Huling El Bimbo.

Hindi maitago ni Anthony ang kanyang kasiyahan dahil kahit noon pa man ay fan na siya ng nasabing musical, kung saan tampok ang mga kanta ng OPM rock band na Eraserheads.

"Fan po ako ng Ang Huling El Bimbo, napanood ko po 'yung online show nila nung nag-run po sila, I think, 2022. 'Tapos sabi ko, 'Parang bagay ako sa show na 'to,' pero wala pa akong idea how to be part of it [kasi] hindi sila naghahanap pa," saad ni Anthony matapos ang kanilang contract signing sa Sheraton Manila sa Newport World Resorts.

"This year, nag-open 'yung audition, sabi ko, I'll try. Nag-send ako ng videos, try lang kasi wala akong experience sa theatre, sa musical.

"Nagulat ako na they wanted me to audition nang face-to-face. So, I auditioned nung callbacks, and nung final callback, sabi nila, they want me to try to read 'yung lead role, which is 'yung young Hector.

"Nung nandoon ako sa final callback, parang everything was perfect. parang very positive 'yung nararamdaman kong vibe, 'yung energy.

"It felt right na I was there. Hindi ko naman sinasabi na para sa akin agad, pero naramdaman ko na mapupunta sa akin 'yung role."

Bukod kay Anthony, kabilang din sa cast ng 2023 run ng Ang Huling El Bimbo ang mga kilalang theater actors tulad nina Gian Magdangal, Gab Pangilinan, at Topper Fabregas, na muling gaganap bilang sina Hector, young Joy, at young Anthony.

Kasama rin sina Nino Alejandro bilang si Anthony, Bullet Dumas bilang si Emman, Paw Castillo bilang young Emman, at Katrine Sunga bilang Joy.

Mapapanood ang Ang Huling El Bimbo The Musical sa Newport Performing Arts Theatre. Magiging available ang tickets nito sa TicketWorld at SM Tickets: P3,776 (SVIP) P3,236 (VIP), P2,696 (GOLD), P1,942 (SILVER), and P1,079 (BRONZE).

Congratulations, Kapuso!

SAMANTALA, MAS KILALANIN PA SI ANTHONY SA MGA LARAWANG ITO: