GMA Logo Park Seo joon, Park Min young
What's Hot

What's Wrong with Secretary Kim: Resignation | Week 1

By Jimboy Napoles
Published December 28, 2022 1:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bystander who tackled armed man at Bondi Beach shooting hailed as hero
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Park Seo joon, Park Min young


Balikan ang mga kaganapan sa unang linggo ng 'What's Wrong with Secretary Kim' DITO:

Sa unang linggo ng What's Wrong with Secretary Kim, nakilala na ang guwapo at matinik na young CEO na si Franco Lee (Park Seo-joon) at ang kanyang highly-reliable na secretary na si Macy Kim (Park Min-young).

Smooth and healthy ang relationship work ng dalawa bilang boss and secretary pero laking gulat na lamang ni Franco nang magpaalam si Macy sa kanya na magre-resign na ito bilang kanyang sekretarya matapos ang siyam na taon.

Ayon kay Macy, kailangan niya nang pagtuunan ng pansin ang kanyang sarili kung kayat nagdesisyon na siya na iiwanan na niya ang kanyang trabaho.

Nang magpaalam si Macy kay Franco, hindi pa lubusang nauunawaan ng huli ang una kung kaya't pinalipas niya na muna ito.

Ngunit nang unti-unti nang nagpapaalam si Macy, dito na naisip ni Franco na mawawalan na siya ng highly-capable at efficient na secretary.

Dahil dito, gumawa ng paraan si Franco na mapigilan si Macy. Ngunit habang pinipigilan niya ito, hindi naman niya mapigilan na lumabas ang totoo niyang nararamdaman para kay Macy.

Matuloy pa kaya ang planong resignation ni Macy? Ano pa kaya ang gagawin ni Franco upang mapigilan si Macy?

Panoorin ang What's Wrong with Secretary Kim, weekdays, 5:00 p.m. bago ang Family Feud sa GMA.