GMA Logo Yaya Urassaya and Mario Maurer
Photo source: GMANetwork
What's Hot

'Bad Romeo,' abangan sa GMA-7

By Abbygael Hilario
Published December 29, 2022 9:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Yaya Urassaya and Mario Maurer


Ang pinakabagong romantic Thai drama series na 'Bad Romeo' ay malapit nang mapanood sa GMA-7!

Malapit nang mapanood sa GMA-7 ang highest rating drama series ng Thailand na Bad Romeo.

Isa na namang romantic Thai drama series ang inihahandog ng Heart of Asia para sa mga Kapuso!

Iikot ang istorya nito kay Kimberly, ang mayaman na anak ng strikto at manipulative hotel tycoon na si Michael. Makikilala niya si Rico, isang mekaniko na sanay na sa hirap ng buhay.

Magtatagpo ang kanilang landas at mabubuo ang kanilang pag-iibigan na tututulan naman ng ama ni Kimberly. Gagawin nito ang lahat para paglayuin ang dalawa.

Matapos ang pitong taon, magbabago ang lahat. Magiging mayaman si Rico at makikilala na siya bilang si Carl Raman. Magiging tagapagmana naman si Kimberly ng kanilang hotel business.

Ang karakter ni Kimberly ay pagbibidahan ng sikat na Thai-Norwegian actress at model na si Yaya Urassaya.

Ang 33-year-old award-winning Thai actor naman na si Mario Maurer ang gaganap bilang Rico.

Bibida naman si Sam Yuranunt Pamornmontri bilang Michael.

Makakasama rin nila rito sina Aokbab Chutimon Chuengcharoensukying at Pop Thatchathon Sabanun bilang sina Lita at Tim.

Ano kaya ang magiging papel nila sa buhay nina Kimberly at Rico? Magtatagpo pa kaya ang kanilang landas? Matutuloy pa kaya ang naudlot nilang pag-iibigan?

Sabay-sabay nating subaybayan ang love story nina Rico at Kimberly sa Bad Romeo!