
Mga Kapuso, handa na ba kayong kiligin tuwing umaga?
Simula ngayong Lunes (January 2), mapupuno ng kilig at good vibes ang inyong weekday mornings kasama sina Thai stars Push Puttichai Kasetsin (Rocky/Rak) at Mai Davika Hoorne (Katrina/Kara) sa kanilang nakatutuwang love story sa pinakabagong Lakorn series ng GMA na You Are My Heartbeat.
Mapapanood din sa nasabing serye sina Jackie Jackrin Kungwankiatichai (Denver/Din), Carissa Springett (Lani), Beau Thanakorn Chinakul (Jeff), Pongtiwat Tangwancharoen (Steve), at Mint Mintita Wattanakul (Rosa).
Ang istorya ng You Are My Heartbeat ay tungkol sa hardworking businessman at neat freak na si Rocky na makikilala ang palaban na fashion designer na si Katrina.
Pinagsikapan ni Rocky na magtrabaho nang mabuti para maibalik sa tamang direksyon si Denver para kay Barbara, ang babaeng umampon sa una noong bata pa lamang siya.
Upang makamit ito, magtutulungan sina Rocky at Katrina, ang dating nobya ni Denver, sa trabaho para mapapunta ang huli sa kumpanya nang hindi nalalaman na si Barbara ang dahilan ng kanilang hiwalayan.
Mayroon man silang pagkakaiba sa personalidad, posible kayang tumibok ang puso nina Rocky at Katrina para sa isa't isa?
Subaybayan ang You Are My Heartbeat, Lunes hanggang Biyernes, 9:00 a.m., sa GMA.